Pagbasag sa katahimikan: Diskriminasyon Laban sa LGBTQ+ Communtity | Gabriella Araneta
Diskriminasyon Laban sa LGBTQ+ Community Ang mundo ay puno ng mga natatanging tao at bawat isa ay may kanya-kanyang kwento sa buhay. Sa mundong ito, onti-onting tinatanggap ang pagiging kakaiba ng bawat tao. Gayunpaman, ang mga taong bahagi ng koumidad ng LGBTQ+ ay nahaharap sa hindi pantay na pagtrato, dahil sa kanilang kwento. Ang komunidad ng LGBTQ+ ay nakakaranas ng diskriminasyon sa iba't ibang anyo, gaya ng hindi patas na pagtrato, panliligalig, pambubully, cyber-bullying, at iba pa. Ayon kay Massey (n.d.), ang pagtatangi laban sa LGBTQ+ komunidad ay nagreresulta sa diskriminasyon. Ang diskriminasyon na nararanasan ng komunidad ng LGBTQ+ sa ngayon ay hindi makatarungan at nakakapinsla; Ang isyung ito ay malubhang negatibong nakakaapekto sa libo-libong buhay. Ang bawat tao ay nararapat na tratuhin nang may dignidad at pagalang, di ba? Kaya bakit hhindi nalang tumigil ang poot sa mga minamahal na miyembro ng LGBTQ+? Ang blog na ito ay upang magbigay...