Pagbasag sa katahimikan: Diskriminasyon Laban sa LGBTQ+ Communtity | Gabriella Araneta
Diskriminasyon Laban sa LGBTQ+ Community
Ang mundo ay puno ng mga natatanging tao at bawat isa ay may kanya-kanyang kwento sa buhay. Sa mundong ito, onti-onting tinatanggap ang pagiging kakaiba ng bawat tao. Gayunpaman, ang mga taong bahagi ng koumidad ng LGBTQ+ ay nahaharap sa hindi pantay na pagtrato, dahil sa kanilang kwento. Ang komunidad ng LGBTQ+ ay nakakaranas ng diskriminasyon sa iba't ibang anyo, gaya ng hindi patas na pagtrato, panliligalig, pambubully, cyber-bullying, at iba pa. Ayon kay Massey (n.d.), ang pagtatangi laban sa LGBTQ+ komunidad ay nagreresulta sa diskriminasyon. Ang diskriminasyon na nararanasan ng komunidad ng LGBTQ+ sa ngayon ay hindi makatarungan at nakakapinsla; Ang isyung ito ay malubhang negatibong nakakaapekto sa libo-libong buhay. Ang bawat tao ay nararapat na tratuhin nang may dignidad at pagalang, di ba? Kaya bakit hhindi nalang tumigil ang poot sa mga minamahal na miyembro ng LGBTQ+? Ang blog na ito ay upang magbigay at itaas ang kamalayan tungkol sa mga hamon na pinagdadaanan ng LGBTQ+ komunidad, para lamang matanggap sa mundong ito.
Ang mga miyembro sa LGBTQ+ ay dumaraan sa berbal nag pang-aabuso hanggang sa hindi pantay na karapatan. Ang mga miyembro ng LGBTQ+ ay nakakaranas ng mga negatibong saloobin sa kanilang buhay at ito ay maaring humantong sa isolation at nakakaapekto sa mental na kapakanan ng tao. Ang diskriminasyon labang sakanila ay nakakaapekto rin sa kanilang academic at propesyonal na tuggumpay, bakit? Dahil ang mga estudyanteng parte ng LGBTQ+ community ay nakakaranas ng parehong pisikal, berbal, at online na pambubully na humahantong sa paghinto sa pag-aaral dahil satakot. At nakakaapekto naman ito sa kanilang propesyon dahil posibleng magkaroon sla ng mababang sweldo dahil sa diskriminasyon.
Sa paglalahat, mahalagang labanan natin ang diskriminasyon at bumuo ng isang kinabukasan kung saan ang lahat ng tao ay maaring maging kanilang sarili, malayang magmahal, at mabuhay ng walang minamaliit, nadidiskrimina, at napipiga. Lahat tayo ay may magagawa, kung patulo tayong magsusulong at sumurporta, mapapalakas nito ang komunidad ng LGBTQ+ at ipaalam sakanila na hindi sila nag-iisa. Dapat tayong bumuo ng kinabukasan kung saan ang lahat ay tinatanggap at minamahal.
Wow! Thank you for publishing this, it is so informative.
ReplyDeleteWhat a great blog, my friend! You are completely right; discrimination against them must end. Thank you for highlighting the importance of keeping an open mind in order for society to accept and appreciate the LGBTQ+ community.
ReplyDeleteThank you for this post!! I have learned so much information!
ReplyDelete